GINTONG KABATAAN

MANGAGAWA

SKILLED WORKER



G. ALFRED DC. SANTOS

Bayan ng San Miguel

Isa sa mga world-class na produkto ng TESDA, si G. Santos ang itinanghal na TESDA Idol para sa taong 2018. Ipinagmamalaki niya na siya ay anak ng magsasaka mula sa Bayan ng San Miguel. Hindi naging madali ang buhay para kay G. Santos ngunit naging inspirasyon niya ito upang magpursigi na abutin ang mga pangarap niya sa buhay.

Sa kasalukuyan, siya ang Marketing Manager at TVET Trainer ng OLM Institute and Skills Training Center for Allied Courses, Inc. sa Baliwag, Bulacan. Gayundin, nakapagkamit na siya ng hindi mabilang na national certification at accreditation para sa Food and Beverage Servicing, Housekeeping, Front Office Services, Commercial Cooking, at marami pang iba.