GINTONG KABATAAN

SA LARANGAN NG ISPORTS

GRUPO


BULACAN KUYAS

Ang Bulacan Kuyas ang opisyal na koponan ng Lalawigan ng Bulacan sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) --- ang torneo na pinangungunahan ng ating Pambansang Kamao, Senador Manny Pacquiao.

Bukod sa kanilang kahusayan sa paglalaro ng basketbol, ang Bulacan Kuyas ay nagsasagawa ng mga proyekto na nagpapalaganap ng interes ng mga kabataan sa isports upang malayo sa masasamang bisyo lalong-lalo na sa ipinagbabawal na gamot.

Sa tuwing lumaro ang koponan dito sa kanilang home court o sa ibang bayan, nagsisilbi silang inspirasyon sa mga bulakenyo na nagbibigay ng kakaibang pagmamalaki at pagmamahal sa ating dakilang lalawigan.