GINTONG KABATAAN

MANGAGAWA

PROFESSIONAL WORKER


GNG. ERLYN RACHELLE K. MACARAYAN-DE VERA

Lungsod ng Malolos

Si Gng. De Vera ay isang scientist at kasalukuyang Associate Faculty/Research Fellow ng Ariadne Labs, Brigham and Women's Hospital, Harvard TH Chan School of Public Health, Postdoctoral Research Associate ng Harvard University TH Chan School of Public Health - Lancet Commission on High Quality Health Systems na parehong nasa Massachusetts, USA, Consultant ng World Health Organization (WHO) Regional Office for Europe at WHO Headquarters Alliance for Health Policy and Systems Research sa Geneva, Switzerland at Copenhagen, Denmark, at Global Burden of Diseases Collaborator at Research Affiliate ng Institute for Health Metrics and Evaluation Center for Health Trends and Forecasts sa Seattle, USA.

Siya ay nagtapos ng BS Nursing sa University of Santo Tomas, Masters in Health and Social Sciences sa De La Salle University, Doctor of Philosophy sa University of Queensland, Australia, at Post Doctoral Research sa Yale University. Sa kasalukuyan, tinatapos niya ang Doctor of Communications sa University of the Philippines at Postdoctoral Research sa Harvard University.

Hindi matatawaran ang angking husay, talino at galing ni Gng. De Vera. Sa katunayan, marami sa kanyang mga pagsasaliksik ang nailathala na sa iba't ibang mga journal at mayroon pa siyang mga nagawa na kasalukuyang pinag-aaralan upang mailathala.