SPECIAL CITATIONS


BB. KATRINA Michelle "HOPIA" LEGASPI

Bayan ng Norzagaray

Si Hopia ay nakilala sa mga seryeng Hiram ng ABS CBN bilang batang Kris Aquino, Maid in Heaven, Juanita Banana, Pintada, Got to Believe, My fair Lady (TV 5), Pusong Ligaw, at A love to last noong nakaraang taon. Siya rin ay kabilang sa orihinal na miyembro ng kiddie Gag show na Goin' Bulilit. Ilan sa kanyang mga film credits ay I Love You To Death, Filemon Mamon, Pare mahal mo raw ako, Cinema one's Baka siguro yata at Cinemalaya's Kusina bilang batang Judy Ann Santos. Siya ay gumanap na rin ng iba't ibang "roles" sa Maalaala Mo Kaya at Ipaglaban Mo. Sa ngayon regular siyang napapanood sa "Home Sweetie Home" tuwing Sabado. Mapapanood din siya sa Cignal Cable series ng IdeaFirst "Sleepless" ngayong taon. Sa kabila ng pagiging busy sa Showbiz, nakapagtapos siya ng Communication sa Miriam College.