GINTONG KABATAANG

ENTREPRENYUR


G. MICHAEL JOHN L. SANTOS

Bayan ng Obando

Si G. Santos ay nakapagkamit na ng Gintong Kabataan Awards bilang pinakamahusay na Pangulo ng Sangguniang Kabataan sa ating lalawigan taong 2009. Ngayon, siya ay atin namang kikilalanin bilang isang mahusay at magaling na entreprenyur.

Si G. Santos ay nagtapos ng kursong BS Hotel and Restaurant Management sa Our Lady of Manaoag Montessori College noong 2010. Sa kanyang pagsusumikap at pagiging masinop, naitatag niya ang 8 Kings Buffet Restaurant and Coffee Shop sa Lungsod ng Meycauayan na mayroong 250 seating capacity at Uptown Buffet Bistro Bar na may 150 seating capacity sa Lungsod ng Valenzuela.

Si G. Santos ay lumaking masayahin, may takot sa Diyos at busog sa pagmamahal ng kaniyang mga magulang at mga kapatid. Mula ng kaniyang pagkabata ay mayroon na siyang kasipagang taglay at mataas ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Sa edad na sampu ay nakakatuwang na siya ng kanyang nanay sa paghahanap-buhay. Sa kabila ng kanyang tinatamasa, hindi niya kinakalimutan ang kanyang mga kamag-anak na nangangailangan ng tulong at suporta. Siya ay nakapagpatapos na ng dalawang pinsan sa Bulacan Polytechnic College - Obando Campus at patapos na din sa susunod na taon ang tatlo pa niyang pinsan sa nasabi ring paaralan.