GINTONG KABATAAN

SA LARANGAN NG SINING AT KULTURA

FASHION DESIGN


G. NORMANNIE HALASAN SANTOS

Lungsod ng Meycauayan

Si G. Santos ay nakilala bilang isang professional fashion designer na mula sa pamilyang nagtatag ng Halasan Metal Craft sa Lungsod ng Meycauayan. Siya ay apo ni Norma Halasan, isang kilalang fashion jeweler at crown maker sa lalawigan. Nagsimula ang kanyang karera taong 1996 pagkatapos niyang magsanay ng paggawa ng alahas mula sa kanyang lolo at lola.

Itinatag niya ang Normannie Halasan Santos Couture na nagbigay daan sa kanya upang maging bahagi ng iba't ibang patimpalak kabilang na ang Project Runway Philippines Season 3 taong 2012. Hindi na rin mabilang ang mga kilalang personalidad na kanyang nabihisan, mga fashion show na kanyang nalahukan at mga publikasyon kung saan sinuot ng mga modelo ang kanyang mga likhang-kamay.

Hindi matatawaran ang kanyang galing sa paggawa ng alahas. Siya ang naging official crown maker ng Miss Chinatown noong 2006 hanggang 2007, Mutya ng Pilipinas 2012, Miss World Philippines 2017 at Miss Q&A sa noontime variety show na Showtime ngayong taong kasalukuyan.