GINTONG KABATAAN

SA LARANGAN NG SINING AT KULTURA

PAGTATANGHAL (Posthumus)


G. REY CLEMENT D. MAALIAO

Lungsod ng Malolos

Si G. Maaliao ay may hindi matatawarang husay, galing at dedikasyon bilang isang artista ng tanghalan, mang-aawit, cultural educator at mananaliksik.

Nakapagambag siya ng isa't kalahating dekada ng kakaibang tingkad at sigla sa Sining ng Pagtatanghal sa dakilang Lalawigan ng Bulacan dahil sa kanyang mga pinagbidahang mga dula na sumasalamin sa mayamang sining, kultura at kasaysayan ng lalawigan.

Naihatid din niya ang mga mahahalagang aral sa buhay ng mga bayaning Bulakenyo na kanyang binigyang buhay sa entablado.

Naging daan din siya upang magkaroon ng mas maigting na pagpapahalaga at pagmamalaki ang mga kabataang Bulakenyo sa mga dula, awit, tula at tradisyon sa pamamagitan ng kanyang mga pananaliksik.

Walang sawa rin siyang tumulong sa mga komunidad na kanyang sinuportahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong-pinansyal at scholarship sa mga kabataang nakitaan niya ng pagpupusirgi sa pag-aaral.

Siya ay isang Bulakenyong may busilak na puso, mapagmahal na anak at kapatid, mabuting kaibigan.