GINTONG KABATAAN

SA LARANGAN NG PAGLILINGKOD SA PAMAYANAN

GRUPO


GUIGUINTO BIKERS

Guiguinto, Bulacan

Nagsimula ang Guiguinto Bikers noong taong 2016 at ngayon ay mayroon nang mahigit 700 na miyembro. Sila ay samahan ng mga siklista na naglalayong maging magandang inspirasyon sa kabataan, maikampanya ang pagibisikleta, maiiwas ang mga kabataan sa hindi magandang gawain at magkaroon ng pagmamalasakit at pagtulong sa kapwa. Naglagay sila ng mga bike rack sa iba’t-ibang lugar sa kanilang bayan upang isulong ang paggamit ng bisikleta. Nagsasagawa din sila ng event for a cause project para makatulong sa kanilang mga miyembro na nangangailangan ng tulong-medikal. Bukod sa iba pa nilang mga proyekto, hinihikayat din nila ang mga OSY na pumasok sa Alternative Learning System o ALS.