GINTONG KABATAAN

SA LARANGAN NG PAGLILINGKOD SA PAMAYANAN

INDIBIDWAL


CARL ANGELO H. ESPIRITU

Guiguinto, Bulacan

Si Carl ay nagtapos ng Bachelor of Arts in Mass Communication Major in Broadcasting sa Bulacan State Universitytaong 2017 at pinarangalan bilang isa sa Ten Outstanding Students of the Philippines Region 3. Itinanghal siya bilang huwarang mag-aaral ng taong 2017 ng Kolehiyo ng Artes at Letras dahil sa natatanging kwalipikasyon sa akademiko, pamumuno at paglilingkod sa komunidad. Isa siya sa mga nanguna sa proyektong #ONEFORLUZON na nagbigay tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Pampanga at nagbahagi ng kaalaman sa mga SK Official, Youth Organization, Out of School Youth at Student Government representative sa bayan ng Samal, Bataan patungkol sa kahalagahan ng bolunterismo sa Nation-Building. Sa pamamagitan ng TOSP – Alumni Community, naging bahagi siya sa mga proyekto gaya ng #BETHELIGHT Project na naglayong makalikom ng donasyon upang makapagbigay ng 120 solar lamp sa Aeta Community sa Bataan at Gawad-Kalinga Building Project sa Nueva Ecija. Binigyan din siya ng pagkilala ng Pamahalaang Bayan ng Guiguinto sa larangan ng kabataan at kalinangan dahil sa mahalagang kontribusyon niya sa pagpapaunlad ng kabataan at komunidad.