GINTONG KABATAAN

SA LARANGAN NG SINING AT KULTURA

SINING AT PAGGANAP


DANIEL PADILLA

Plaridel, Bulacan

Si Daniel ay apo sa tuhod ng dating gobernador ng ating lalawigan na si Gob. Jose “Peping” Galvez Padilla Sr. Siya ay anak ni Rommel Padilla at Karla Estrada na pareho ding artista. Isa sa mga magaling na aktor ng kanyang henerasyon mula sa ABS-CBN, nagsimula siyang gumanap sa teleseryeng Gimik taong 2010 bago naging bida sa teleseryeng Growing Up taong 2011. Ngayon ay isa na rin siyang recording artist at product endorser. Ilan sa mga parangal na kanyang natanggap ay ang mga sumusunod:
• FAMAS Award for Best Actor • PMPC Star Award for Movie Actor of the Year
• GMMSF Box-Office Entertainment Awards for Box Office King
• Awit Awards
Bukod sa natanggap niyang tatlong nominasyon sa World Music Awards, siya din ang unang pinoy na artistang nanalo bilang Kids’ Choice Awards mula sa kilalang network sa ibang bansa na Nickelodeon