NATATANGING

GINTONG KABATAAN


DYCI ROBOTICS TEAM

Bocaue, Bulacan

Taong 2009 pa lang ay nagsimula nang gumawa ng pangalan ang mga magaaral ng Dr. Yanga’s Colleges, Inc. sa larangan ng Robotics. Bawat taon ay nagkakamit sila ng gantimpala sa mga International Robotics Competition bilang kinatawan ng ating bansa. Ang isa sa kanilang napanalunan ay mula sa First Lego League World Championship sa Houston, Texas, USA na ginanap nitong Abril 15 – 21, 2019. Ang kanilang “Project Fuse” ang nakasungkit ng pinakamataas na gantimpala laban sa 109 na koponan mula sa 74 na bansa. Ang mataas na pagkilalang ito ay iginagawad sa kanila dahil sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa pagpapakilala sa ibang bansa na ang kabataang Filipino, lalo na ang mga kabataang Bulakenyo, ay tunay na may angking “K” – kahusayan at kakayahan.