GINTONG KABATAAN

MANGAGAWA

PROFESSIONAL WORKER


GLEN ANDREW D. DE VERA

Lungsod ng Malolos, Bulacan

Ang kaalaman at husay ni Glen ay maaaring maging inspirasyon ng iba sa larangan ng chemical at environmental engineering. Siya ay nagtapos ng BS Chemistry at MS Chemistry sa University of the Philippines Diliman at PhD Chemical Engineering sa University of Queensland, Australia kung saan siya ay pinagkalooban ng University of Queensland Alumni Award taong 2017 at Australia Leadership Award mula taong 2012 hanggang 2016. Nakapagsulat na rin siya ng maraming artikulo na tumatalakay sa pagsulong ng water chemistry na nailathala sa iba’t ibang scientific journal sa labas ng ating bansa.

Sa kasalukuyan, siya ay nagtatrabaho bilang researcher sa Massachusetts Institute of Technology (MIT), Department of Civil and Environmental Engineering.