GINTONG KABATAAN

SA KAGALINGANG PANG-AKADEMYA AT AGHAM

KOLEHIYO


MARGARET GRETEL C. MAÑALAC

Baliwag, Bulacan

Si Margaret ay nagtapos ng Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Arts in Broadcast Communication sa University of the Philippines, Diliman. Siya ay agkamit ng parangal na Best Thesis at Best Director in Radio and Related Media Class at consistent university scholar para sa Academic Year 2016 – 2019.
Siya ay naging finalist sa Thailand International Film Destination Festival at Australia International Film Festival taong 2018.
Siya din ay naging Media Literacy Campaign Project Head ng UP Journalism Club mula Agosto 2017 hanggang Mayo 2018. Bukod sa kanyang talento sa pagsulat at paggawa ng mga produksyong pang-brodkast, nais pa niyang mapalawak ang kanyang kaalaman sa kanyang komunidad, sa batas at maging kritikal sa mga usaping may kinalaman sa bayan sa pamamagitan ng pagpasok sa kolehiyo ng abogasya sa parehong pamantasan.