GINTONG KABATAAN

SA LARANGAN NG ISPORTS

INDIBIDWAL (CHESS)


NORMEL BENIGNO R. DE JESUS

Santa Maria, Bulacan

Mula sa bayan ng Santa Maria, si Normel ay nagnanais na ibalik at ibigay sa mga kabataan ang kanyang mga nalalaman hindi lamang sa larong chess, kundi pati na rin sa kanyang mga natutunan at narating sa buhay bilang isang atleta at bilang isang estudyante. Ang 1st ASEAN International Youth Chess Championship sa Singapore, 19th BCC Bangkok Open Blitz Championship sa Thailand, Palarong Pambansa Meet at UAAP Season 75 Chess Championship ang ilan lamang sa mga paligsahang kanyang nasalihan kung saan siya nakatanggap ng mga parangal.