GINTONG KABATAAN

SK CHAIRPERSON


IGG. Patrick S. Dela Cruz

Lungsod ng Malolos, Bulacan

Si Konsehal Patrick ang kasalukuyang Pangulo ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Lungsod ng Malolos at naninilbihan bilang SK Chairperson ng Barangay Bulihan. Nangakong mangangasiwa nang mabuti, pamamahalaan at paglilingkuran ang komunidad at nasasakupan nang may buong katapatan at kahusayan, si Konsehal Patrick ay nakapagpasa na ng 9 na kapasiyahan noong taong 2018 at 8 kapasiyahan naman ngayong taong 2019. Ilan lsa kanyang mga naging proyekto ang relief operations, tulong edukasyon, paglalagay ng solar paneled lights at pagpapaganda ng covered court at clean-up activity sa barangay ng Bulihan. Aktibo siya sa mga gawaing pangkalikasan, isa sa kanilang flagship project ay ang RepubliKalikasan 2019 kung saan nagtanim sila ng mga puno ng bakawan sa coastal area ng Lungsod ng Malolos. Bilang pangulo ng panglungsod na pederasyon ng SK, napagisa niya ang mga chairperson ng bawat barangay kung kaya’t ang kanilang samahan ang isa sa mga pinakamatatag at pinakamahusay sa ating lalawigan.