GINTONG KABATAANG

ENTREPRENYUR


PAUL GERARD A. SARET

Balagtas, Bulacan

Si Paul Gerard ay kasalukuyang iskolar at mag-aaral sa Graduate School ng Ateneo Graduate School of Business sa kursong Masters in Entrepreneurship in Social Enteprise and Development. Tinaguyod niya ang Saret Organic Farmville na nakabase sa Doña Remedios Trinidad na tumanggap na ng iba’t-ibang parangal at pagkilala sa loob at labas ng bansa tulad ng mga sumusunod:
• Top 20 Finalist, 2016 SIAL-Asean Food
• Top 10 Most Innovative Product
• Organic Farming Family Award 2016
• Grand Winner, BPI Sinag Accelerate 2018
Ayon sa kanya, limitado man ang kanyang pera at kayamanan, nais niyang makapagbahagi ng pagmamahal, malasakit at utang na loob sa kanyang bayang sinilangan sa pamamagitan ng pagtulong at pagtuturo sa mga kapus-palad, partikular na sa mga magsasaka at maliliit na negosyante. Ginagamit niya ang kanyang nalalaman ngayon sa pakikibahagi sa paglikha ng isang lipunan na may pag-aaruga sa kapwa, debosyon sa tungkulin, respesto sa batas, pagmamahal sa bayan at takot sa Diyos. Ito daw ang kanyang layunin bilang isang Entrpreneur on Mission.