GINTONG KABATAAN

SA LARANGAN NG SINING AT KULTURA

FASHION DESIGN


RAYMOND VINCENT P. SITYAR

San Rafael, Bulacan

Nagtapos man siya ng Bachelor of Science in Information Technology sa Asian College of Science and Technology sa Baliwag, sa larangan ng Fashion Designnaman naging matagumpay si Vince. Siya ngayon ang Kalihim ng Designers Circle of the Philippines at kilala na sa local at international pageant gaya ng Binibining Pilipinas, Miss World Philippines, Mutya ng Pilipinas, Miss Philippines Earth, Miss Global International at Miss Universe. Ilan sa kanyang mga napanalunan ay ang mga sumusunod:
-Rosa Mystica Award (Best Designer) Mall of Asia Flores de Mayo 2017
-Magandang Filipina Award Mall of Asia Flores de Mayo 2016
-Best in Long Gown Attire (Philippines) Miss World Peace Pageant 2015
-Top 5 Best Designer Mutya ngPilipinas 2012 & 2015
-Best in Long Gown Mrs. Universe Philippine 2012
Ilan sa mga kilalang artista na nakapagsuot na ng kanyang mga obra ay sina Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Kim Domingo, Bianca Manalo at Empress Schuck.