GINTONG KABATAAN

MANGAGAWA

SKILLED WORKER


RENZ ALDRIN PAUL B. MANGALILE

Baliwag, Bulacan

Bilang isang Filipino na naninirahan sa ibang bansa, isang hamon ang mapaunlad ang kakayahan. Ngunit ito ay hindi naging hadlang upang gamitin ang pagkakataong ito na maging tuntungan at oportunidad upang magkaroon ng bagong kasanayan at napapanahong kaalaman sa larangan ng pagluluto. Dahil dito, si Renz ay nagkamit ng mga parangal at pagkilala sa kabila ng kanyang murang edad. Kabilang ditto ang Junior Chef of the Year sa2019 North East of Scotland Chef and Restaurant of the Year Award.

Ayon kay Philippine Ambassador to London, Antonio Lagdameo, ang pagkakapanalo ni Renz sa nasabing parangal ay halimbawa ng taglay na husay, galing at disiplina ng mga kabataang Filipino sa United Kingdom at kung paano nila napatutunayan ito sa pamamagitan ng kanilang piniling larangan.