GINTONG KABATAAN

SA LARANGAN NG ISPORTS

GRUPO


SAN MIGUEL NATIONAL HIGH SCHOOL WOMEN’S SENIOR SOFTBALL TEAM

San Miguel, Bulacan

Sa ilalim ng kanilang Team Manager na si G. Rommel Sta. Ana, Coach na si Bb. Jennifer C. Sta. Ana at Assistant Coach na si Bb. Leni Guillermo, puspusan ang ginawang pagsasanay at paghahanda ng mga manlalaro ng kanilang paaralan upang maging kinatawan ng bansa sa 2019 Little League Senior Softball World Series na ginanap sa Sussex, Delaware sa Estados Unidos kung saan napanalunan nila ang 2nd Runner Up.