GINTONG KABATAAN

SK COUNCIL


SANGGUNIANG KABATAAN NG BRGY. STA. CRUZ, GUIGUINTO

Guiguinto, Bulacan

Mula sa Bayan ng Guiguinto at sa pamumuno ni SK Chairperson Shiela Marie L. Camus, ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Sta. Cruz ay nakapagpasa ng 4 na resolusyon kabilang na ang pagpapatibay ng pagpapalabas ng pondo at paglaan ng 10% SK Fund. Kabilang sa kanilang mga naging proyekto ang pagpapanatili ng kapayapaan at tahimik na kapaligiran sa kanilang barangay, clean up drive, feeding program sa mga mag-aaral ng Day Care at pamimigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Inday noong Hunyo 2018. Namigay din sila ng mga gamit pangeskwela sa elementary school sa kanilang barangay ng nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagtulong sa kabataan.
Maayos ang dokumentasyon at pagsasagawa ng kanilang mga programa at siniguradong lahat ng aspetong Philippine Youth Development Plan ay mayroong katugunan.