GKA Main Banner
GKA Main Banner
GKA Banner 2024
GKA Banner 2024
previous arrow
next arrow

Gintong Kabataan Awards 2024

Ang Gintong Kabataan Awards (GKA) ay ang taunang pagbibigay ng parangal sa mga Kabataang Bulakenyong may angking “K” – kahusayan at kakayahan. Ito ay itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan simula pa noong taong 1991.

Ang GKA ang simbulo ng kahusayan ng Kabataang Bulakenyo na kinikilala hindi lamang sa lalawigan at rehiyon maging sa loob at labas ng bansa. Ito ang nagsisilbing inspirasyon na patuloy linangin ang kanilang kakayahan bilang mahalagang kasangkapan tungo sa maunlad na kinabukasan.

Sa ilalim ng masikhay na pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando ay muling kikilalanin at igagawad ang pinakamataas na parangal para sa mga kabataang Bulakenyo para sa taong 2024.

 

Mga Kategorya:

  1. Gintong Kabataan sa Kagalingang Pang-akademya at Agham
    • High School Level
    • College Level
  2. Gintong Kabataan sa Larangan ng Sining at Kultura (Indibidwal at Grupo)
  3. Gintong Kabataan sa Larangan ng Paglilingkod sa Pamayanan (Indibidwal at Grupo)
  4. Gintong Kabataang Entreprenyur
  5. Gintong Kabataan sa Larangan ng Isports (Indibidwal at Grupo)
  6. Gintong Kabataang Bayani
  7. Gintong Kabataang Manggagawa
    • Professional Worker
    • Skilled Worker
    • Government Employee
  8. Natatanging Sangguniang Kabataan Barangay Council
  9. Natatanging Sangguniang Kabataan Federation President

Mechanics

  • Kapanganakan o Paninirahan sa Bulacan
      1. Dugong Bulakenyo o ipinanganak sa Bulacan at naninirahan dito sa loob ng hindi bababa sa limang (5) taon;
      2. Ang mga magulang o isa man sa kanila ay dugong Bulakenyo at naninirahan sa lalawigan sa loob ng hindi bababa sa limang (5) taon;
      3. Kung asawa ng isang Bulakenyo ay naninirahan sa lalawigan ng hindi bababa sa limang (5) taon
      4. Kung walang dugong Bulakenyo ay naninirahan sa Bulacan sa loob ng sampung (10) taon
  • Edad:
      1. Kabataang may 15 hanggang 30 taong gulang (ipinanganak ng taong 1994 o pataas)
      2. Hanggang 35 na taon para sa mga kategoryang Entreprenyur, Professional Worker, Skilled Worker at Government Employee
  • May natatanging kontribusyon o nakamit na tagumpay sang-ayon sa iba't ibang kategorya ng GKA, iba pang kwalipikasyon para sa mga sumusunod:
    1. Gintong Kabataang Manggagawa (Professional Worker)
      1. Nagtapos ng kolehiyo (4 na taon)
      2. Professional Licensure Exam Passer
      3. Kasalukuyang may trabaho sa linya ng propesyong pinagtapusan
    2. Gintong Kabataang Manggagawa (Skilled Worker)
      1. National Certification (NC) o Certificate of Competency (COC) holder mula sa TESDA sa anumang qualifications o nagtapos ng technical-vocational course
      2. Kasalukuyang may trabaho gamit ang kakayanang pangteknikal
    3. Gintong Kabataang Manggagawa (Government Employee)
      1. Kasalukuyang nagtatrabaho sa anumang tanggapan panglokal o nasyunal na may permanent status
    4. Sangguniang Kabataan Barangay Council
      1. May rekomendasyon mula sa SK President at Barangay Chairman
      2. Nakapagsumite ng CBYDP at ABYIP para sa taong 2024
    5. Gintong Kabataang Bayani
      1. May katangi-tanging nagawa na nagpapamalas ng kabayanihan o kadakilaan para sa kapwa kabataan o komunidad
      2. May nominasyon mula sa isang rehistradong organisasyon, samahan, simbahan o lokal na pamahalaan

*Ang mga dating Gintong Kabataan Awardee ay hindi na maaaring lumahok sa katulad na kategorya